LABIDABS SONG (Love song) LAHAT by Gary Granada

30 05 2008

Gary Granada

Lahat

Ang nalalabing buhay, dito sa daigdig

ang siyang magpapatunay, sa iyong maririnig.

Ang sa Diyos ay dalanging, ako’y laging tapat

ano mang maging akin, iyan ay iyong lahat.

Lahat ng paano, lahat ng saan

lahat ng gaano at ng kailan.

Ang bawat bakit at pagkukulang

ulan at init ma’y di hadlang.

Sa pag-aalinlangan at pagging tiyak.

Sa pangangailangan at biyayang sapat.

Pagbabakasakali, minsa’y mabibigo

ngunit mananatiling pagsinta’y lalago.

Sa karamdaman at sa lakas,

hanggang sa paghinga’y magwawakas.

Walang patakaran kitang tinatanggap

INIIBIG KITA, ikaw lahat.

Advertisements