Maasikasong Maybahay

11 06 2008

takako

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang ikasal
sina Jojo at Eileen.

Kahit mahal na mahal ni Jojo ang kanyang misis,

nasasabik din siyang makipag-inuman sa kanyang mga kumpare.

Isang gabi, nagpaalam si Jojo kay Eileen ,

“Honey, aalis ako ha, babalik kaagad ako…”

“Sweetheart, saan ka pupunta?” tanong ni Eileen .

“Sa bar, cutiepie, iinom lang ako ng beer.” saad ni Eileen.

“Gusto mo ng beer, love? Eto…” hirit ni Eileen
sabay bukas ng refrigerator at ipinakita ang
25 na iba’t ibang klase ng beer na puro imported.

Hindi malaman ni Jojo kung ano ang gagawin.
Ang sabi na lang niya,

“Oo, cutiepie, pero doon sa bar… alam mo na… yung
malamig na glass…”

Hindi pa tapos magsalita si Jojo, eh, buong
lambing na nagsalita na si ,

“Gusto mong malamig na glass, sweetheart? Eto…”

Binuksan ni Eileen ang freezer at naglabas s’ya ng
isang malaki at malamig na glass, sobrang lamig at
nangangatog pa siya sa pagkakahawak.

Medyo namumutla na si Jojo, na ang nasabi eh,

“Oo nga cutie pie, Pero sa bar ang daming masasarap na
pulutan… sandaling-sandali lang ako talaga. Babalik
kaagad ako , okey?”

“Gusto mo ng pulutan, sweetheart?” malambing pa ring
usisa ni Eileen , na binuksan ang oven at naglabas ng
iba-ibang klase ng pulutan-sisig, chicken wings,
chicharong bulaklak, crispy pata, inihaw na bangus,
camaron rebosado, hotdog with onion, kaldereta
at iba pa.

“Pero cutie pie… sa bar… you know, merong konting biruan,
bolahan, murahan… you know…” alumpihit na sabi ni Jojo.

Hindi na nakapagpigil si Eileen ,

“Gusto Mo Ng Murahan Sweetheart? …..

…. T*****A MO PALA EH!
HETO, INUMIN MO ITONG P****G INANG BEER MO
SA MALAMIG NA BWAKANANG INANG BASO NA ITO,
AT KAININ MO ‘YANG PUKI NANG INANG PULUTAN NA
‘YAN DAHIL HINDI KA LALABAS NG BAHAY!
U**L!
‘T**G I***G ‘TO”

Advertisements