RAZON SINUNGALING!!!! ZTE SCANDAL

19 02 2008

Di daw nakidnap! eh di nmn talaga. muntik na. Dahil sa media naibalik si Mr. Jun Lozada pabalik ng manila mula sa pinagdalhan sa laguna. At ang tawag pala ng mga bastos na pulis kay Mr. Jun Lozada eh “ito”.

   hehehe ano ba talaga type written or sulat kamay yung letter??? tsk tsk tsk….





Gaite on 500,000 cash

19 02 2008

This page requires a higher version browser
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Eh tugma nga ang sinabi ni Gaite at ni lozada. ang 500,000 eh para sa pocket money ni jun.Nagtx nga cya dahil sobrang lamig dun at wala na cyang pera kaya kusang loob na nagpadala ng pera si Gaite. Ipinadala si jun dun sa hongkong na walang utos na gagawing kahit ano. kahit paikot ukitin pa walang nagbabago sa pahayag ni Jun Lozada.





Penge nang Gana…

19 02 2008

Tamad na tamad nako sa buhay na to. Walang pagbabago. Walang paglago.Dami problema tapos pressured sa madaming bagay. Uuwi ka na nga lang mayayamot ka pa. Ang ayala to washington 3o mins dahil sa garapalang pambubuaya ng pasahero. Wala namang magawa. Ganun din sa umaga papasok ka eh malalate ka dahil sa pipila ng matagal sa ayala lalo na sa guadalupe. Oo nagtatrabaho kase sila… eh putris papasok din ako sa trabaho! Abay dapat sa ganung oras na mag alas syiete ng umaga eh naisip naman nila na may papasok sa trabaho. Walang malasakit tapos gusto mong umuwi ng maaga para makapagpahinga eh halos isang oras ang byahe di dahil sa trapik kundi lahat ng lugar ginagawang terminal sa tagal! Buhay nga naman oh lalo na sa mga taong ganun.Pwede bang di na sabihing “eh ganun talaga”. Mag MRT ka at para kaung sardinas dahil sa sikip na eh isisiksik pa. Wala kasing disiplina. Dapat gawan din ng pink fences sa mrt para wlang singitan. Sabi nga ng iba eh bakit ba may pink fences sa kalsada? kase daw walang disiplina ang mga motorista so parang hayop na na kelangan na lagyan ng bakod para sumunod. Ewan ko ba kung bakit pag sa ibang bansa ang pilipino napaka desiplinado. Hehe dapat pala kulong agad at walang multa multa ang ipatupad sa mga lalabag sa mga violation? Ganun ata sa ibang bansa kaya desiplinado ang pinoy dun(ay may kotongan nga pala dito at pasimuno ang may kapangyarihan hehe so wala din). Minsan tuloy  maiisip mo na ring manggulang dahil walang mangyayari. Abay kaunti pa lamang iyan sa nakakatamad na realidad dito sa pilipinas. wala nang gagawin at wala nang pagbabago. At eto ako. Eto parin. Ang mga natutunan ko noon… wala na hehe. Hindi na competitive gaya ng dati. Sana may maitulong naman saken, sa ikauunlad ko ang mga bagay-bagay na nakakaharap ko araw-araw. oist! Penge naman ng gana….